Bes….

​Ayoko na Bes…

Hindi ako sanay sa ganitong klase ng pagkakaibigan. Hindi kasi ako yung tipo ng kaibigan na sanay na makipag-away. Hindi ako yun Bes, alam mo yun. Sinabi ko sayo yan nung una tayong nagkasagutan. Sa inyo lang ako nakipag away ng ganito kahit itanong mo sa mga kaibigang unang naging parte ng buhay ko. 

Nakakapagod na yung away-bati, magtetext at hindi, magpapansinan at magdedeadmahan, magbebes at hindi. Tama na, sobrang tanda na natin para sa ganito. Okay na ko, okay ka na tigilan na natin ang ‘bes’ na tawagan. Pwede na tayong magkalimutan. Okay na tayong magkakilala na lang. Maghanap na lang tayo ng mga bago nating kaibigan. Ingat ka palagi at hangad ko na maging mas matagumpay ka pa sa buhay. 

Ako :)

Antisocial! Boring ang life!

Ganyan ako kung ilarawan ng isang kaibigan at isang dating kaibigan. Medyo masakit noong una, pero kaibigan ko nga sila kaya nila nasabi yun. 

Mas masaya kasi akong sa bahay lang at nagbabasa ng libro. Nakakapagod kasi minsan ang dumaldal ng dumaldal. 😂 Masaya akong nakakakulong sa kwarto.

Tinanggap ko din agad na ganun nga ako. Hindi naman ako yung tipong wala talagang “social life”, mapili lang talaga ako ng mga sinasamahan ko. Hindi din naman ako yung sobrang KJ at kaya ko namang makisama kahit kanino. 

Kailangan kong magbago pero ayokong gawin dahil lang sinabi ng ibang tao. Alam kong tanggap ako ng mga taong mahal ako sa kung ano at sino ako. Unti-unti magbabago ako para muna sa sarili ko. Pag natanggap ko na ang pagbabago ko maaring maging mas mabilis din ang pagbabago ko para sa ibang tao.

;););)

Panibagong Taon

Kapapalit lang ng taon at kapapalit lang din ng edad ko. 😝😝 Isang panibagong taon na puno ng pag-asa at pakikibaka. Salamat sa lahat ng nakaalala at mas piniling maging bahagi pa din ako ng kanilang 2017.

Manigong bagong taon!

Salamat!

(Sakay Na!)

Bago sumapit ang bagong taon, nais kong pasalamatan ang mga taong sa hindi sinasadyang pagkakataon ay tumulong sakin para maka-uwi ng normal sa bahay.😂 

Unang beses kong sumakay ng “FastCat”, maganda ang barko, malinis, bago at mababait ang mga crew. Habang pinapanood ang video nila tungkol sa barko masasabi mong tama anga kanilang slogan na FerrySafe, FerryFast at FerryConvenient.

Ang problema lang ako ang taong takot sa pagbyahe sa dagat. Takot ako sa alon at kapag nararamdaman ko ang paggalaw ng barko. Dito magsisimula ang kwento ng pasasalamat ko.

Kay Ma’am na taga-Aklan, salamat sa pagpayag nyong humawak ako sa kamay nyo habang nasa barko. Salamat sa mga salita at pag aalala mo.

Kay Kuyang taga Bacolod, salamat sa mga kwento at pagpapa-upo sakin nung nasa bus pa tayo. 

Kay Kuyang taga Aklan na ilang beses nagising dahil hindi ako mapakali sa barko at tuwing napapasambit ako ng”Lord!”, maraming salamat po sa pagpapagaan ng loob ko. Salamat sa pagsabing ganub lang kasi nasa open sea tayo at hanging amihan ang umiiral kaya talagang maalon at magalaw ang barko. 

Kay Ms. Guimbal maraming salamat sa mga kwento mo. Naging mas magaan ang pagbyahe ng dahil sayo. 🙂

Ang sayang makipagsapalaran sa pagbyahe kapag ganitong may mga okasyon at may mga mababait na tao kang makakasama. 
Hindi man ako nakatulog ng maayos at umiral man ang takot ko masaya at labis akong nagpapasalamat na kayo ang mga nakasama ko. 

 

Huling Paalam

(Pahiram po ng titulo Dr. Jose Rizal✌)
 Karamihan ng mga naging entry ko dito ay tungkol sa pagkakaibigan. Mas marami yung tungkol sayo. Sobra ang pagpapahalaga at pagtitiwala ko sa’yo bilang kaibigan at kapatid na din kung ituring ko. Magpapakabitter na kung kabitteran man ang tawag sa lahat ng sama ng loob ko sa’yo. Isinumbat mo sa akin ang lahat, sabi mo lahat binigay mo, ako lang ang hindi marunong magpasalamat at makuntento sa mga ginagawa mo. Pero ni minsan ba naisip at nakita mo din ang mga ginagawa ko bilang kaibigan mo? May katotohanan ba lahat ng mga sinasabi at ipinangako mo? Bakit ramdam ko lang ang halaga ko pag wala ka ng ibang malapitan? Wala ka ng ibang makapitan? Hanggang doon na lang ba ang halaga ko? Tuwing mag-isa ka tsaka mo maiisip na nandito ako.  

Naging mabait ako sa lahat ng mga mahal mo hindi ko isinumbat yun kahit kinuwestyon mo. Bakit ginagawa ko yun? Alam mo namang kasama ka sa mga rason ko. Dahil sa’yo, para sa’yo.  

Sa lahat ng iyon, ni hindi ko naisip na eto lang pala ang gagawin mo. Ginawa mong isyu ang akala ko’y maayos nating natapos na gulo. Hindi na ako magpapagamit pa sa’yo. Masama na ako kung yun ang tingin mo. Hindi ko naman ikinakaila yun, maldita ako at mapagtanim ako ng galit ko. Eto na ang huling pagsusulat ko tungkol sayo. Kakalimutan ko ang pangalan mo at lahat ng tungkol sayo, pagkatapos nito. Ipinagpapasalamat ko na sinaktan mo ko ng ganito, magiging sobrang matatag ako at ipakikita ko sayo na kaya kong ayusin ang buhay na sinira mo. Paalam sa huling pagkakataon, inakalang kaibigan!